News »


MTB Cross Country Race and Fun Ride

Published: April 18, 2023 05:02 PM



Umarangkada kaninang umaga ang mahigit 500 duathlon athletes sa MTB Cross Country Race and Fun Ride sa unang araw ng Pagibang Damara Festival.

Sinimulan ang motorcade mula Sto. Tomas Arch at umikot ng City Proper hanggang Camanacsacan kung saan opisyal na inumpisahan ang karera.

Binaybay ng mga atleta ang ilang barangay hanggang makarating sa finish line sa Pag-asa Sports Complex, FE Marcos at dito rin idinaos ang awarding program sa mga top finisher ng anim na kategorya – Open Category 18-40 years old, Open Category 41 above, All San Jose Category 18-30 years old, All San Jose Category 31-40 years old, All San Jose Category 41 above, at Female Category.

Kinilala rin sina Mario Palos bilang pinakamatandang kalahok at Blue Jay Tan na pinakabatang sumali sa karera.

Pinangunahan nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal ang paggawad ng parangal at nagpahayag ng kanilang pagbati sa mga lumahok sa naturang aktibidad.

Nagkaroon din ng raffle dito kung saan nakapag-uwi ang mga nabunot ng grand prize na isang Giant at isang Shadow mountain bikes, at iba’t ibang bike accessories na minor prizes.