MGA LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ARAW NG LUNGSOD SAN JOSE
Isinasagawa ngayong araw, Agosto 06 ang Medical Mission at Free Check-up sa Pag-asa Sports Complex, bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng ika-56 na Araw ng Lungsod San Jose.
Pinangunahan ito ng Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ), katuwang ang City Health Office (CHO) na layuning masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga San Josenio.
Namahagi rito ng iba’t ibang serbisyong medikal para sa mga bata, matatanda, at buntis gaya ng libreng gamot at konsultasyon. Mayroon ding libreng Hepatitis B screening para sa street vendors.
Bukod dito, may hatid na libreng laboratory tests gaya ng X-ray, CBC/APC, ECG, at urinalysis mula sa IP Diagnostic Laboratory at St. Anthony Diagnostic Clinic.