Sa isinagawang Flag Raising Ceremony ngayong umaga, Hulyo 13, nanumpa ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose, sa pangunguna ni Mayor Josel "James" F. Violago, bilang pakikiisa sa "Be RICEponsible" Campaign ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).
Ang kampanyang ito ay nagtataguyod ng responsableng pagkonsumo ng bigas, suporta sa mga magsasakang Pilipino, at pagpapatibay ng seguridad sa pagkain sa bansa.
Nagbigay rin ng maikling oryentasyon ang kinatawan ng PhilRice hinggil sa ABC ng pagiging RICEponsable. Ipinaliwanag niya na ang A (Avoid Rice Wastage) ay paghikayat na huwag mag-aksaya ng bigas at pagkain; ang B (Buy Our Farmers' Rice) ay paghikayat sa pagtangkilik sa mga lokal na uri ng bigas bilang suporta sa kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino; at ang C (Choose Healthier Rice) ay nagtataguyod ng pagpili ng mas masustansyang uri ng bigas, tulad ng brown rice, pigmented rice, low-glycemic rice, at high-zinc rice, bilang bahagi ng mas malusog na pamumuhay.
Kaugnay nito, patuloy na paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng umiiral na ordinansa na naghihikayat sa mga lokal na kainan at restaurant na mag-alok ng half-cup rice bilang isa sa mga hakbang upang mabawasan ang pag-aaksaya ng pagkain at maisulong ang responsableng pagkonsumo ng bigas.
Matapos ang programa, nagsagawa rin ng isang courtesy call ang mga kinatawan ng PhilRice kay Mayor Violago.