News • November 03, 2026

Kauna-unahang Trick-Or-Treat sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose, Isinagawa

Naging makulay at masaya ang pagdiriwang ng Halloween sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose matapos isagawa ang kauna-unahang Trick-or-Treat para sa mga chikiting noong Oktubre 30, 2026.

Masayang nag-ikot ang mga chikiting sa iba't ibang tanggapan upang mamahagi ng pagbati at mangalap ng treats, habang nakilahok din sa mga palaro kasama ang kanilang mga kapamilya, na nagdagdag-saya at sigla sa pagdiriwang.
Namahagi rin si Mayor James Violago ng mga burger sa mga dumalo at nagkaloob ng mga papremyo sa mga nagwagi ng special awards.

Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, nabigyang-kulay ang pagdiriwang ng Halloween sa city hall, habang napalakas din ang samahan ng mga kawani at kanilang mga pamilya.

Bilang paghahanda, naggayak ng mga kendi at tsokolate ang bawat tanggapan upang salubungin ang mga batang lumahok sa nasabing aktibidad.

Nakiisa sa aktibidad ang mga anak, pamangkin, at iba pang kaanak ng mga kawani ng pamahalaang lungsod.
🚨 MDRRMO Rescue Hotline: 0915-168-9878