Pormal nang nilagdaan ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose at National Academy of Sports (NAS) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) nitong Oktubre 28 sa Office of the City Mayor, upang pagtibayin ang koordinasyon sa pagpapaunlad ng kakayahan at talento ng mga kabataang atleta sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor Josel F. Violago at NAS Executive Director III Assoc. Prof. Francis Carlos B. Diaz ang paglagda sa kasunduan.
Sa ilalim ng MOA, tutulungan ng Pamahalaang Lungsod ang NAS sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa scholarship program nito, gayundin sa pagtukoy at pagrekomenda ng mga kwalipikadong student-athlete na maaaring mag-apply bilang iskolar.
Magbibigay naman ang NAS ng teknikal na suporta sa lungsod sa pamamagitan ng mga seminar at pagsasanay tungkol sa sports law, wastong nutrisyon, mental health at kapakanan ng mga atleta. Maaari ring humiling ang lungsod ng benchmarking activities at campus visit upang higit pang mapahusay ang mga lokal na programa sa palakasan.
Inaasahang magbubukas ang partnership na ito ng mas maraming oportunidad para sa mga kabataang San Joseño na may angking husay at potensiyal sa larangan ng sports.