COVID-19 FAQs »


Mga Dapat Dalhin kung Edad 12-17 ang Magpapabakuna

Published: January 17, 2022 05:38 AM



1. Kung may comorbidity ang bata, medical certificate na nagsasaad ng comorbidity ng batang babakunahan. 
2. Proof of filiation o dokumento na nagpapatunay ng relasyon o kaugnayan ng batang babakunahan at ng magulang o guardian (gaya ng birth certificate). Kung guardian ang kasama, kailangan ang notarized affidavit o barangay certification. 
3. Valid ID ng bata at ng magulang o guardian.

Kailangan pirmahan ng magulang o guardian ang Informed Consent Form at sasamahan ang bata sa araw ng pagbabakuna.

IBA PANG PAALALA:
-Huwag magpuyat kung magpapabakuna.
-Hindi maaaring magpabakuna kung may sakit gaya ng ubo, sipon, o lagnat.
-Ang registration form ay makukuha sa vaccination site (PAG-ASA).
-Magdala ng valid ID at sariling ballpen.
-Magsuot ng face mask at face shield.
-Panatilihin ang physical distancing.