Sertipiko ng Pagkilala para sa Lungsod San Jose
Published: January 20, 2025 05:22 PM
Muli na namang tumanggap ng pagkilala ang San Jose City dahil sa matagumpay na pagtugon sa Adolescent Pregnancy at pagpapabuti ng Family Development sa lungsod.
Personal na tinanggap ni Mayor Kokoy O. Salvador ang plake at Sertipiko ng Pagkilala sa ginanap na flag raising ceremony nitong umaga (Enero 20), kasama ang mga miyembro ng City Leadership Team ng San Jose.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Kokoy ang The Challenge Initiative (TCI) Philippines at Zuellig Family Foundation (ZFF) na kinakatawan ni G. Troy Vincent Bautista, City Technical Lead sa paggabay upang maisakatuparan ang mga layunin ng TCI ng sa ating lungsod.
Tiniyak ng Punong Lungsod na ipagpapatuloy ang programang TCI upang makamit ang hangaring zero (0) adolescent pregnancy sa San Jose.
Samantala, pinasalamatan naman ni Bautista ang aktibong pagtugon ni Mayor Kokoy at pagsuporta ng Sangguniang Panlungsod sa mga programa ng TCI.
Gayundin ang sama-samang pagsisikap at pagtutulungan hindi lamang ng mga kinilalang City Leadership Team kundi ng lahat ng kawani ng Lokal na Pamahalaan na may kontribusyon upang mapababa ang teenage pregnancy rate sa lungsod.
Nagsimula ang programang TCI nang magpahayag ng interes ang Lungsod San Jose sa ZFF noong Nobyembre 2021 at nagpatuloy sa pagpapalawig ng mga programang may kinalaman sa Adolescent-Youth Sexual Reproductive Health na naglalayong maabot ang zero pregnancy rate sa lungsod.