News »


SGLG Awarding

Published: December 20, 2023 03:54 PM



Pormal na tinanggap ni Mayor Kokoy Salvador, kasama sina Vice Mayor Ali Salvador at City DILG Director Elria Hermogino ang 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony nitong Disyembre 14 sa Manila Hotel.

Ito ang ika-apat na SGLG na natamo ng lungsod na itinuturing na pinakamataas at pinakaprestihiyosong parangal na ibinibigay ng DILG sa mga pamahalaang lokal na pumasa sa lahat ng aspeto ng mahusay na pamamahala.

Kaugnay nito, ginawaran din ng mahigit dalawang milyong piso ang lungsod bilang insentibo sa pagkamit nito ng naturang parangal.

Gagamitin ang incentive fund na ito para sa community development project ng LGU.