News »


Gawad Kalasag Seal of Excellence Award

Published: December 21, 2023 04:00 PM



Pormal na tinanggap ni Mayor Kokoy Salvador kasama si OIC City Disaster Risk Reduction & Management Officer Sheridan Lindain Asuncion ang Gawad Kalasag Seal of Excellence na iginawad sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose nitong Miyerkoles, December 20, sa isang awarding ceremony na ginanap sa Clark, Pampanga.

Ibinibigay ng Office of the Civil Defense (OCD) ang Gawad Kalasag sa mga lokal na pamahalaang nakapagpapatunay at nakapagpapakita ng kahandaan sa anumang kalamidad o sakuna.

Isa ang Gawad Kalasag sa mga panuntunang kailangang makamit upang makapasa sa pagsusuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para naman sa prestihiyosong Seal of Good Local Governance.