News »


Bagong Potable Water System, pinasinayaan sa Porais

Published: October 18, 2018 04:05 PM



Hindi na nga mapipigilan ang pagbibigay aksyon ng Lokal na Pamahalaan para matulungan ang mga mamamayan ng San Jose, kaya isa na namang Potable Water System o POWAS ang pinasinayaan sa Barangay Porais kahapon (Oktubre 17).

Layunin ng proyektong ito na makapaghatid ng malinis na tubig sa mga barangay sa lungsod lalo na sa mga lugar na hirap maabot nito, upang makatulong sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama ang mga opisyal ng naturang barangay ang pagpapasinaya ng ika-15 POWAS na naipatayo ng Lokal na Pamahalaan.

Nauna nang nabigyan ng POWAS ang Barangay Sto. Nino 3rd, Villa Marina, Villa Joson, Tondod, Abar 2nd, A. Pascual, Camanacsacan, Dizol, Tabulac, Parang Mangga, San Mauricio, Kita-kita, Tayabo, at Kaliwanagan.

Papasinayaan naman sa Lunes, Oktubre 22 ang isa na namang POWAS sa Barangay Manicla at iba pang mga barangay sa mga susunod na araw.