Kontra COVID-19 Vaccination Schedule List (March 2, 2022)
Published: March 01, 2022 05:22 PM
Narito ang listahan ng 250 bata na may edad 5 hanggang 11 yrs old na ini-rehistro ng kanilang mga magulang online at maaari nang bakunahan sa MIYERKOLES, MARSO 2, 9 AM hanggang 3 PM, sa WALTER-MART.
MGA DAPAT DALHIN SA ARAW NG PAGBABAKUNA:
1. Kung may comorbidity ang bata, medical certificate na nagsasaad ng comorbidity ng batang babakunahan.
2. Proof of filiation o dokumento na nagpapatunay ng relasyon o kaugnayan ng batang babakunahan at ng magulang o tagapag-alaga/guardian (gaya ng birth certificate). Kung guardian ang kasama, kailangan ang notarized affidavit o barangay certification.
3. Valid ID ng bata at ng magulang o tagapag-alaga.
Bukod dito, kailangang pirmahan ng magulang o tagapag-alaga ang Informed Consent Form at sasamahan ang bata sa araw ng pagbabakuna.
- Hindi muna tatanggap ng walk-in sa edad 5 hanggang 11.
- Sa mga nagparehistro, mangyaring dumating sa takdang oras.
- Ang registration form ay makukuha sa vaccination site (WalterMart).
- Magdala ng valid ID at sariling ballpen.
- Magsuot ng face mask.
- Dumating sa takdang oras.
- Panatilihin ang physical distancing.
#Resbakuna
#BIDABakunation
#ProtektadoAngBatangBakunado