Mga kabataan, dumalo sa Seminar on Mental Health Education
Published: October 11, 2018 04:59 PM
Aktibong lumahok ang mga kabataan sa Seminar on Mental Health Education na idinaos kahapon Oktubre 11) sa Learning and Development Room ng City Hall Building.
Kabilang sa mga dumalo rito ang iba’t ibang lider mula sa youth sector, kasama ang mga miyembro ng Pambansang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan (PPSK), mga estudyante, at ilang miyembro ng Youth Development Council.
Inorganisa ng City Population Office (CPO) at Teen Information Center (TIC) katuwang ang The Outstanding Young Novo Ecijano (TOYNE) Inc. ang naturang seminar kung saan naging pangunahing tagapagsalita sina Argel B. Masanda, Psychometrician at Guidance Counselor; Dr. Jayson Laurio Marzan, CLSU Faculty Member; at Rogelito F. Sison, SJCNHS Teacher II na pawang mga TOYNE awardees.
Tinalakay nila ang mahahalagang isyu tungkol sa Mental Health Awareness, Mental Hygiene, Stress Management, at kung papaano ito makatutulong sa paghubog ng mabuting kaisipan para sa mga kabataan.
Suportado naman nina Mayor Kokoy Salvador, City Population Officer Nathaniel O. Vergara, at City Councilor Patrixie DP. Salvador ang ginanap na seminar.
Ipinagdiriwang tuwing ika-dalawang linggo ng Oktubre ang National Mental Health Week sa bansa sang-ayon sa Proklamasyon Blg. 452 na nilagdaan ni dating Pangulo Fidel V. Ramos.