COVID-19 Bulletin »


Pagbabakuna kontra COVID-19 para sa edad 5-11, nagsimula na

Published: February 18, 2022 03:59 PM



Inilunsad ngayong araw (Pebrero 18) sa lungsod ang unang Resbakuna kontra COVID-19 para sa mga batang edad lima hanggang 11 taong gulang sa Waltermart – San Jose. 

Naka-iskedyul bakunahan ngayon ang 150 bata na nakapag-pre-register online.

Binisita ni Mayor Kokoy Salvador ang mga bata roon at may mga mascot din upang magbigay aliw sa mga batang natatakot at kinakabahan.

Mayroon pang libreng snacks para sa kanila mula sa WalterMart at sa iba’t ibang sponsors.

Ayon sa ilang magulang na nakapanayam doon, naniniwala silang makapagbibigay ng proteksyon ang bakuna sa kanilang mga anak laban sa COVID-19, kaya suportado nila ang programang ito.

Dagdag pa nila, dapat ay maging magandang halimbawa rin ang mga magulang sa mga anak kaya’t mahalagang bakunado rin sila.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na ligtas, epektibo, at pinag-aralan ng mga eksperto ang bakuna para sa mga bata. 

Mas mababang dose ng Pfizer COVID-19 vaccine ang ituturok sa mga bata na aprupado ng Food and Drug Administration (FDA) para sa Emergency Use Authorization (EUA).