News »


Pagkilala sa mga Atletang San Josenio

Published: May 08, 2023 01:26 PM



Kinilala kaninang umaga, Mayo 8 ang mga estudyanteng atleta na nanalo sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet na ginanap nitong Abril 24-28 sa ibat ibang lugar sa rehiyon.

Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador ang paggawad ng parangal, kasama ang ilang konsehal sa City Social Circle.

Kabilang sa mga nag-uwi ng medalya ang mga sumusunod:

GOLD:
- Sophia Angela Mae A. dela Vega (Long Jump and 100m dash)
- Ivan Charles R. Manila (Tennis)
- Justine T. Cayetano (Table Tennis)

SILVER:
- Sophia Angela Mae A. dela Vega (200m dash)
- Hercolis B. Parto (1500m)

BRONZE:
- Paul Harris C. Peralta (Javelin)
- Fernando A. Escano Jr. (Long Jump)
- Analyn R. Bugarin (High Jump)
- Jay Bee DL. Maniquez (Taekwondo)
- Lyndon Rald Ramiscal (Gymnastics-MAG)
- Ryzen Angelo M. Reyes at John Rain R. dela Cruz (Badminton Doubles)