Announcement »


Poster-Making Contest - City Library

Published: July 19, 2022 03:16 PM



Panuntunan sa Paligsahan sa Paggawa ng Poster
1. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Araw ng Lungsod San Jose sa taong ito, ang Aklatang Panlungsod ay magsasagawa ng isang “on-the-spot poster making contest na may layuning maipamalas ang galing ng mga San Josenio sa larangan ng sining.
2. Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng San Josenio na may edad 18-24 na taon.
3. Gaganapin ang patimpalak sa Agosto 8, ika-8:00 ng umaga sa Pag-asa Sports Complex, F.E. Marcos.
4. Ang poster ay dapat may kaugnayan sa temang: “#NewNormal San Jose: Lungsod na Matatag, San Joseniong Panatag”
5. Ang bawat kalahok ay kailangang magdala ng kanilang materyales na kanilang gagamitin katulad ng lapis, krayola, coloring pen, oil pastel, water color, at iba pa.
6. Iguguhit ang poster sa isang illustration board na may sukat na 15”x20” na ibibigay ng Aklatang Panlungsod.
7. Bibigyan lamang ng dalawang oras ang bawat kalahok upang tapusin ang poster.
8. Sa mga nagnanais sumali sa paligsahang ito, magrehistro sa o bago Hulyo 29, 2022 sa link na ito: https://forms.gle/8k6TwCjBEYnbFGjE7
9. Ang mga magwawagi sa paligsahang ito batay sa itinakdang pamantayan ay iaanunsiyo sa Agosto 10, 2022 sa Facebook page ng Aklatan: https://www.facebook.com/AklatangSanJose
10. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: 
 Kaugnayan sa Tema  - 30%
 Pagka-orihinal ng gawa - 30%
 Pagkamalikhain  - 25%
 Kabuoang Presentasyon   - 15%

MGA GANTIMPALA:
Unang Gantimpala - P5,000.00 
Ikalawang Gantimpala - P3,000.00 
Ikatlong Gantimpala - P2,000.00
*Sa mga di-nagwaging kalahok - P500.00 
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Aklatang Panlungsod.

#BuwanNgWika
#ArawngLungsodSanJose
#AklatangPanlungsod
#BagongSanJose