Programa ng City Population Office,ipinagmalaki sa Regional Forum
Published: October 15, 2018 04:07 PM
Dahil sa magagandang programang ipinatutupad ng City Population Office, ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose ay isa sa napiling maging tagapagsalita sa isinagawang Regional Dissemination Forum on Philippine Population Management Program and Responsible Parenthood and Reproductive Health Law among Local Chief Executives and other Decision-Makers sa Quest Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga nito lamang Oktubre 11.
Pinangunahan nina City Administrator Alexander Glen Bautista, City Councilor Patrixie Salvador, at City Population Officer Nathaniel Vergara ang pagpiprisinta ng good practices ng lungsod tungkol sa usaping populasyon at pagpapamilya, at iba pang programa gaya ng Pre-Marriage Counseling, Responsible Parenthood Movement Class, pagbubukas ng Teen Information Center, at lingguhang K Outreach Program na kung saan ang City Population Office ay nagpapamigay ng contraceptives.
Ibinida rin ni Councilor Salvador na mayroong ordinansang kasalukuyang pinag-aaralan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod tungkol sa pag-update ng household profile ng lungsod. Ipinagmalaki rin niya na mayroong Migration Information Officer o MIO sa bawat barangay ng lungsod na siyang nag-uupdate sa populasyon ng bawat barangay.