Pagibang Damara Festival 2024 »
San Jose City Color Run #PagibangDamaraFestival
Published: April 22, 2024 08:00 AM | Updated: May 29, 2024 03:36 PM
Mas naging makulay ang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival sa taong ito sa ginanap na San Jose City Color Run Chroma Fest nitong Sabado (Abril 20) na nilahukan ng mahigit 3,000 katao.
Makikita ang labis na excitement ng mga lumahok dito at hindi inalintana ang mahigit limang kilometrong layo na kanilang tinahak hanggang makabalik sa City Social Circle kung saan idinaos ang programa.
Lalo pa itong pinasaya ng rapper at singer na si Al James na sinabayan ng mga manonood sa pagkanta ng kanyang mga awiting Latina, Repeat, Pahinga, at Gusto.
Samantala, itinanghal na Most Colorful sina Gabriel Simone Santos at Julie Ann Munsayac, Most Colorful Couple naman sina Kaye Martin at Jerwin Cenon, at Most Active Barkada ang Abar Angels.