State of the City Address (SOCAD) 2024
Published: April 04, 2024 04:52 PM
Muli na namang nag-ulat sa bayan si Mayor Kokoy Salvador sa kanyang taunang State of the City Address (SOCAD) na idinaos nitong umaga sa Pag-asa Sports Complex.
Natunghayan dito ang mga naisakatuparang proyekto noong 2023 sa ilalim ng pamumuno ng Punong Lungsod, katuwang ang iba't ibang opisina ng lokal na pamahalaan, gayundin ng Sangguniang Panlungsod.
Nagpahayag si City Administrator Alexander Glen Bautista ng kaniyang pambungad na pananalita sa programa, kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng nagtutulungan at sumusuporta para makamit ang mga hangarin ni Mayor Kokoy para sa Lungsod San Jose.
Aniya, makikita ang malaking pagbabago at progreso sa lungsod mula 2016 at marami pang aabangan sa susunod na kabanata.
Kaugnay nito, iprenisinta ni Mayor Kokoy sa SOCAD ang isa pa niyang pangarap na isang libreng kolehiyo para sa mga San Josenio, na kasalukuyan nang itinatayo sa Brgy. Sto. Tomas.
Ayon naman kay Vice Mayor Ali Salvador sa kaniyang pangwakas na mensahe, dapat tularan ang ipinakita ng Punong Lungsod na huwag susukuan ang pangarap at ipagpatuloy ito.
Sinang-ayunan din ni Vice Ali na 'overall effort' ang ano mang narating ng lungsod sa ngayon, kaya't hinikayat niya ang lahat na patuloy na magkaisa para sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod San Jose.
Samantala, naghandog ng pampasiglang bilang sa programa ang San Jose City National High School - Senior High School Choir na nagkampeon sa LGU Chorale Competition 2023.